Torres High School, Manila, Philippines  
  Batch '76:  Class  IV-3  
 

 

... Beng's account (part 3) on IV-3's first reunion...

 

bandang north bay boulevard medyo lumalabas na ang tunay na kulay ng bawa't isa, aba, kumukuha lang pala ng buelo. walang kamatayang tanong.... ILAN ANG ANAK MO? ILANG TAON ANG PANGANAY? ANG BUNSO? SAAN KA NGAYON NAKATIRA?, etc. sumagot naman ang mga may isasagot , sori sila wala ako ng mga itinatanong nila. akala ko ligtas na ako, aba, ewan kung sino sa tatlong lalaking nasa likod ang nagnasang magtanong kung NAGGAGANSILYO na raw ba ako? ang cheap ng nagtanong, kung sino man siya, "MGA LOKO CROSS STITCH NAMAN MIND YOU NAKA TUMBA TUMBA PA AKO", sa palagay ninyo tama ba ang sagot ko sa kanila? hala, nagsimula na ang huntahan, tawanan, hagalpakan, biglang off ni dyenny ang car stereo, aba'y walang marining kung hindi ang kaniya kaniyang style sa pagtawa na walang ka class class. patuloy ang kantiyawan, huntahan nang biglang tumunog ang cellphone ni dyenny (buti na lang at high tech na, ang nagagawa nga naman ng panahon), hayun biglang nabuhayan kami ng loob sa kadahilanang nasa kabilang linya ang butihing asawa ng may-ari ng cellphone at ipinababatid na maluwalhating nakarating si benito sa aming tagpuan. magandang pangitain at tila dumarami ang bilang ng dadalo. katakot takot na bilinan na naman. para bang hindi matutuloy ang pagtitipon kung wala ang isang benito castalla. sino ka nga ba sa buhay namin? talagang malakas ang loko. habang daan, nanumbalik na naman ang lakas ng tawanan sa loob ng sasakyan, kung kaya't di napansin na "dead end" na pala ang kalsadang aming tinatahak., hala balik, nagdudumaling tumawag si dyenny kay jovita at ang tanong..... kung paano na ang papunta sa kanila. give agad ng land mark at may paabisong pang may susundo raw sa amin, aba bongga ang jovita mukhang kumuha pa ng mga escorts. alam ba ninyo kung sino siya? sino nga ba? walang iba kungdi ang kamag-aral nating si augusto na sa aking pagkakaalam ay hindi makakarating dahil may mission, (spo 4) na nga pala siya, aba, hindi pala kami ng iisa, isa rin pala siya sa mga excited, at take note, unang-una pa sa bahay ni jovita. sa kalye pa lang sigawan na, nakakahiya man, di na namin alintana kung ano man ang sasabihin ng mga kabitbahay ni jovita. pagkita namin sa may ari ng bahay, may kakaibang damdamin kaming naramdaman ni regina, nakakahiya mang aminin feel na feel namin ang PAGKA-INSECURE. isa ba namang sexy ang bumulaga sa harap ng kotseng sinasakyan namin. ang tanong, "BAKIT ANG PAYAT NIYA?" NAKAKA-INSECURE.

hala, una unahan sa pagpasok sa munting tahanan ng mga punto (gng. jovita santos-punto na nga pala ang host ng ating pagtitipon at siya ngayon ay butihing asawa ni andy at biniyayaang magkaroon ng 3 malulusog at naggagandahang supling na pulos babae, puwede pa bang umirit si andy, ha jovita?, baka naman lalaki na ang sumunod, swerte daw yoon) sori, hindi ko na nga pala dapat panghimasukan ang mga bagay na iyon, again, sori.....

(part 2)     (part 4)

 

  NEWS TIDBITS  
   

Hey, guys, they've come up with a mailing list for Batch '76!  Please visit the site and register.

Or, send an e-mail to our Batchmates now!


 
   

The THS Batch 76 website is now up... check it out!


 
    Let us give thanks to the Lord for giving our very own, Carol Barazona-Gonzales, a new life after her kidney transplant last year.  More of Barok's story ...
 
    Another prayer request for Genie Chico-Alison's Dad who is very recently diagnosed with cancer.
 
    We would like to request for prayers for the recovery of Mr. and Mrs. Espinosa, Mennie's parents, who're both ill.
 
    Words of encouragement for the month...
 
    Archive  
         
  SEE ALSO  
         
   

Pictures from the very 1st Reunion, 9 September 2000


 
   

Beng's story of the 9 September gathering


 
   

Another version of the 9 September event from Hadji


 
   

A message from Mennie, 22 Sep 00


 
    Words from our website visitors  
         
    TOP OF PAGE  

Last updated on 17 October 2000