hello guys, i was about to
write this story right after the reunion, on the second thought napagtanto ko na
mas mainam kung detalyado kong isasalaysay ang mga pangyayaring naganap para
naman mafeel ng bawa't isa, kahit yoong mga hindi naabisuhan o natawagan, sorry
guys talagang ganoon yata kapag and edad mo ay umaabot na sa kuwarenta (40)
pataas para ka ng nasasaksakan ng kung ilang anesthesia. swerte mo kung naalala
ka ng kung sino man sa mga naunang naabisuhan. tulad na lang ni norlinda pancho,
bigla ko lang naalala ng dakong alas 4:00 ng madaling araw, na kung ilang oras
na lang ay gaganapin na ang pinakahihintay naming reunion. biglang on ang cell
at dali-daling inabisuhan si kamag-aral jennifer na tawagan si norlinda sa
landline, mahal sa cellphone ano, marami pa akong mase send na message (sori
norlinda at medyo may kakuriputan ang iyong kamag-aral) o tamo tama ang aking
desisyon na sa landline na lang tawagan sa kadahilanang hindi pwede si norli
dahil may masteral class, ano ba naman yan, hanggang ngayon nagsusunog ka pa rin
ng kilay. at least libre na ako at hindi masisisi dahil hindi siya naabisuhan.
ang mga confirmed na dadalo ay
ay nasa bilang na 14 namely: jennifer, jovita, regina, perlita, annabelle,
esperanza, benito, augusto, aristeo, isabelo, hipolito, raymond, reynaldo,
at romeo solo, ang presidente ng ating klase. dalawa (2) rito ang nagtaksil sa
sumpaan. at ang mga kasumpa-sumpang kamag-aral ay sina aristeo at isabelo. (sa
susunod, sisiguraduhin naming di na kayo makakalusot sa ano mang paliwanag o
alibi na ipaparating sa amin).
usapang tagpuan/oras/petsa:
tahanan ng mga crame sa antipolo (hindi sa rizal, sa solis) 10:00 ng umaga (hindi
gabi), ika-9 ng sityembre taong 2000, araw ng sabado.
(part
2)