|
...
Beng's account (part 4) on IV-3's
first reunion...
abalang-abala sa paghahanda sa
hapag kainan si gng punto, ang usapan nga pala ay "pot luck" bring si
regina ng isang kalderong adobong manok (teka may kasama bang baboy yoon? di ko
na nasilip o nakita man lang). ang mga putaheng nakahain ay ang mga sumusunod:
inihaw na baboy na may sawsawang suka na sinamahan ng napakaraming bawang,
inihaw na bangus na may palaman na sibuyas at kamatis na tenernohan ng sawsawang
toyo at kalamansi, sinigang na baboy na lalong pinasarap dahil sa sinangkapan ng
maanghang na sili at tamang-tamang asim ng sampalok, ang walang kamatayang
manggang hilaw, take note, manibalang na parang mansanas na kapag kinagat ay
napakalutong with matching bagoong na gawa mula sa navotas (mennie ang iyong
favorite) huag kang mag-alala ikinain ka naman namin. panghimagas na buko pandan
(na sa dami ay puwede mong pakainin ang isang barangay). mayroon ring puto
special na may keso sa ibabaw (tinalo ang goldilocks sa linamnam), sapin-sapin
na napakasarap nguyain dahil sa taglay niyang kunat at nakakainganyong kulay,
pansit malabon na halos di mo na makita ang noodles sa dami ng sahog, mga
naglalakihang pusit, hipon, hiniwa-hiwang taenga ng baboy at nilagang itlog na
tunay namang napakasarap.
di
kumpleto ang kasiyahan kung wala ang favorites ng boys ...... ano pa eh di ang
BEER pabili kaagad ng isang (1) case ang reynaldo, give siya ng 1 thou ora mismo,
sabi ko dapat ang girls may cokes din. so, buy kaagad ng 4 na litrong cokes para
sa mga kababaihan. nang ibinabalik na ni jovita ang sukli, ang wika ko'y huag na
dahil RICH naman ang nagbigay. hala hablutan at agawan parang mga batang
naglalaro ng patintero. mananalo ba naman siya sa aming ni jovita, tagumpay ang
aming panghahablot. di niya alam na matagal na naming trabaho ang mang-agaw.
(PART I ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA.)
(part
3)
|
|