Torres High School, Manila, Philippines  
  Batch '76:  Class  IV-3  
 

 

... Beng's account (part 2) on IV-3's first reunion...

MALAKING HIMALA: ang dalawang babaeng laging huli sa tagpuan, halos sabay na dumating, "napaghahalatang sabik" (si regina at si jennifer yoon). ang inyong lingkod naman, medyo huli lang ng 15 minuto para hindi naman halatang tatlong (3) araw ng puyat sa kasabikang makita at makadaop palad muli ang mga dating kamag-aral na di nakita sa loob ng dalawanpu't apat (24) na taon (ganoon na pala katagal yoon) habang naghihintay ang mga beauty namin sa mga susunod pang darating, medyo nagkaroon muna kami ng chikahan ng mga buhay-buhay, kauting kodakan, inuman (ng palamig,,,,, coke) aba umaandar na ang oras at wala pa ang dating miyembro ng troop 85, (si benito yon) na sa aking pagkakaalam ay hindi nahuhuli sa ano mang tagpuan (kaya naman pala huli ..... mamaya ko na lang sasabihin sa inyo kung bakit....ay naku ang nagagawa nga naman ng reunion). medyo inip na ang beauty ng 3, nang siyang pagdating ni reynaldo, wala raw ni isa sa harap ng torres, aba, sabi ko masama na itong pangitain at tila wala yatang dadalo. hindi ito maari, kailangang matuloy ang nasabing pagtatagpo. ang tagal yata ng isang linggong paghihintay. sabi namin kay reynaldo, balik siya at tatawagan na sa kani-kanilang tahanan ang mga inaasahang sasama. mukhang sabik rin si reynaldo, aba't pormang porma (kanino kaya nag papa impress..... hulaan ninyo). so, utos ang jennifer na tawagan ang hipolito "opo kamahalan" biglang dial ang number ni hipolito, aba ang hinayupak kung hindi pa tumunog ang phone hindi pa babangon. "ano? bakit nandiyan ka pa?" "sige, sige in 30 minutes andyan na ako." natakot yata sa boses ko. sori na lang siya, medyo upset na si ako dahil naiinip na ang beauty ko. dial naman ang dyenny kay solo. aba, okey naman dahil paalis na raw. buti naman at kung hindi ay maari rin niyang matanggap ang pananakot mula kay dyenny. sa sobrang ka excited-an biglang nagdesisyon iwanan ang natatanging miyembro ng troop 85. aba sobra na, lagpas na sa takdang oras. subali't napaglimi namin at tila nag-alanganin rin kaming iwan ang kamag-aral na si benito sa kadahilanang at alam naman ng nakararami na mahal na mahal namin ni dyenny ang taong ito, sa kanya lang naman kami nakapaglalambing at nag-iisa lang ito sa buhay namin ni dyenny, ang tangi naming alalay sa lahat ng bagay, sa lakaran, ano mang oras mong tawagin nandiyan siya. bueno tama na kahit na mabait ka sa amin, iwan ka, bahala ka. (bago kami lumisan katakot takot na bilin, kung saan ang lugar, ang telephone no. ni jovita, naku benito, di ka lang talaga namin matiis, ano nga ba ang pinakain mo sa amin, bruho ka).

dala ni regina ang kanyang sasakyan, kaya walang problema, nang nasa tapat na ng torres biglang dismaya dahil wala ni isa, aba talagang ginagalit kami, kaya naman pala wala sa lugar, dahil nasa kabilang kalye, ewan ko kung kumakain ng fish ball at lumalagok ng sago at gulaman. pagkakita namin, biglang sabay sabay na nagsabing hayon, hayon, talaga namang excited, 3 lalake pa lang yoon ha? biglang sutsut ang beauty ko, sabi ng dyenny hoy tawagin mo. biglang baba ang beauty ko kailangan kong tumabi kay dyenny sa harapan dahil hindi kami kakasya. may i greet the boys...."GOOD MORNING CLASSMATES", medyo nakakahiyaan pa. sige sakay na, una walang kibuan. mga SHY pa kuno ang mga hinayupak, pa demure demure pa. tinahak namin ang daan na dating daanan ng grupo, remember guys yoong street... vicente del fierro ba yoon? gilid ng torres at bilihan ng tinuhog tuhog na fish ball na may kasamang palamig na sago at gulaman, diva yoong lang ang kayang abutin ng ating baon? magkano nga ba ang baon natin at that time? ang pamasahe? sorry folks yoong ang ibinaon ko sa limot kaya nga payat ako noon, at take note marami sa atin ang malnourished, liban kina jovita, regina, manuel (ci butch yoon). sinu-sino nga ba ang nagtataglay ng mga malulusog na pangangatawan? medyo bumaligtad yata ang panahon, ang mga malulusog naging balinkinitan ang mga katawan and vice versa.

(part 1)     (part 3)

  NEWS TIDBITS  
   

Hey, guys, they've come up with a mailing list for Batch '76!  Please visit the site and register.

Or, send an e-mail to our Batchmates now!


 
   

The THS Batch 76 website is now up... check it out!


 
    Let us give thanks to the Lord for giving our very own, Carol Barazona-Gonzales, a new life after her kidney transplant last year.  More of Barok's story ...
 
    Another prayer request for Genie Chico-Alison's Dad who is very recently diagnosed with cancer.
 
    We would like to request for prayers for the recovery of Mr. and Mrs. Espinosa, Mennie's parents, who're both ill.
 
    Words of encouragement for the month...
 
    Archive  
         
  SEE ALSO  
         
   

Pictures from the very 1st Reunion, 9 September 2000


 
   

Beng's story of the 9 September gathering


 
   

Another version of the 9 September event from Hadji


 
   

A message from Mennie, 22 Sep 00


 
    Words from our website visitors  
         
    TOP OF PAGE  

Last updated on 17 October 2000